MANILA, Philippines – Nasa desisyon ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa kung magpapakita ito sa Senado sa inaasahang pag-convene bilang impeachment court, ayon sa abogado nito.
“That is a matter which can only be decided by my client. Again, I only provide alternative courses of action to my client but it is up to my client what to do,” ayon kay Atty. Israelito Torreon, legal counsel ni Dela Rosa.
“Posible ‘yan. He may appear kasi wala naman talagang local warrant of arrest. Pero ‘yung prejudice lang sa kanyang safety, nakita na natin eh. Nu’ng dumating siya sa Senado, muntik na siyang madakip eh. Nadapa pa nga siya,” dagdag pa.
Si Dela Rosa ay may arrest warrant sa “alleged criminal responsibility as an indirect co-perpetrator” sa crimes against humanity ng murder mula Hulyo 3, 2016 hanggang sa pagtatapos ng Abril 2018 kung saan 32 katao ang nasawi.
Sinabi naman ni Torreon na dapat na kumpirmahin muna ng lokal na korte ang ICC warrant bago ito maging epektibo sa bansa. RNT/JGC