Home NATIONWIDE Desisyon sa wage hike petition sa 4 rehiyon ilalabas sa Setyembre –...

Desisyon sa wage hike petition sa 4 rehiyon ilalabas sa Setyembre – DOLE

MANILA, Philippines – Inaasahang ilalabas ang desisyon sa petisyon sa wage hike na inihain sa apat na rehiyon ay maaaring asahan sa loob ng ilang buwan, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni DOLE OIC Undersecretary Ernesto Bitonio Jr, na ang nakabinbing petisyon ay sa Region 3, Region 4-A, Region 6, at Region 7.

Ayon pa kay Bitonio na ang wage boards sa mga rehiyon na ito ay magsasagawa ng  “public hearings at public consultations mula ngayong buwan ng July, hanggang Setyembre at maaaring asahan ang sahod sa pagitan ng panahong ito.

Noong Hunyo 29, inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa National Capital Region ang ₱40 na pagtaas sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ito ay nakikitang direktang makikinabang sa 1.1 milyong minimum wage earners sa Metro Manila.

Ang kautusan, na magkakabisa sa Hulyo 16, ay magtataas ng dail minimum wage sa rehiyon mula ₱570 tungo sa ₱610 sa non-agricultural sector, at mula ₱533 hanggang ₱573 para sa “agriculture sector, service at retail establishments na may  15 o mas kaunting manggagawa, at mga manufacturing establishment na regular na nag-eempleyo ng mas mababa sa 10 manggagawa.

Bagamat ilang labor groups ang nagsasabi na hindi sapat ang minimum wage increase sa Metro Manila, binigyan diin ni Bitonio na isinaalang-alang ng regional board ang pamantayan para sa pagpapasiya ng sahod na itinakda ng umiiral na batas.

Kabilang dito ang mga pangangailangan ng mga manggagawa vis-a-visa consumer prices, kapasidad ng isang negosyo na magbayad, at ang pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon.

Sinabi rin ni Bitonio na ang pagtaas ng sahod ay hindi rin panlunas sa mga hamon na kinakaharap ng mga manggagawa, tulad ng pagtaas ng presyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden