Home NATIONWIDE Detainee pumuga sa Zambales provincial jail

Detainee pumuga sa Zambales provincial jail

145
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ang manhunt operation matapos pumuga ang isang detainee sa Zambales Provincial Jail, ayon sa Zambales Police Provincial Office (ZPPO) nitong Miyerkules, Pebrero 18.

Ayon sa Zambales Police Provincial Office (ZPPO), ang detainee ay kinilalang si Emilliano Agustin, 38, na nakatakas 4:30 ng hapon nitong Martes matapos na samantalahin ang pagbubukas ng Post 2 gate ng pasilidad.

Habang inaasistehan ng guard ang isa pang detainee ay tumakbo palabas ng gate at main entrance ng piitan ang isang detinee.

Opisyal na iniulat sa Iba Municipal Police Station (MPS) ang insidente bandang alas-7 ng gabi.

Naglatag na ng mga checkpoint at nagpakalat ng tracker team ang Iba municipal police station, kasama ang iba pang law enforcement agencies para sa agarang ikadarakip ng suspek.

Hinimok naman ng mga awtoridad ang publiko na magbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Agustin.

Si Agustin ay residente ng Barangay Lipay, Sta. Cruz, na naaresto noong Disyembre sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here