Home NATIONWIDE DFA apektado ng data breach – cybersecurity group

DFA apektado ng data breach – cybersecurity group

MANILA, Philippines – Sinabi ng isang cybersecurity group na Deep Web Konek na nagkaroon ng data breach sangkot ang Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa isang tweet nitong Miyerkules, Hulyo 3, sinabi ng Deep Web Konek na “Sensitive email data [is] now being sold online” kasunod ng sinasabing insidente.

“The threat actor, identified as “chengyi,” is reportedly behind this breach. It is currently unknown if the data involves just a single or bulk email,” ayon sa grupo.

“The Deep Web Konek Team, on its initial findings, found out that the sample provided contains sensitive documents and is marked as confidential documents,” dagdag pa nito.

Hindi na nagbigay ng karagdagang impormasyon ang naturang cybersecurity group sa umano’y breach.

Wala pang pahayag ang DFA kaugnay nito. RNT/JGC