Home NATIONWIDE Kapatid ni Alice Guo, Chinese national na si Guo Xiang Dian –...

Kapatid ni Alice Guo, Chinese national na si Guo Xiang Dian – Gatchalian

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Senador Sherwin Gatchalian nitong Miyerkules, Hulyo 3 na ang kapatid ni Alice Guo na si Wesley Leal Guo ay ang Chinese national na si Guo Xiang Dian.

Ani Gatchalian, ito ay batay sa resulta ng fingerprint na ibinigay ng National Bureau of Investigation.

“Guo Xiang Dian is Wesley Leal Guo. This is according to the fingerprint matching of the NBI using the BOI records and the NBI biometric records,” pagbabahagi ni Gatchalian.

“Guo Xiang Dian arrived in the PH in 1999. He’s listed as the dependent son of Lin Wen Yi which made him Guo Hua Ping’s brother,” dagdag pa nito.

Aniya, patunay lamang ito na ang late registration process ng bansa ay inabuso ng pamilya ni Guo “to falsely claim that they are Filipinos.” RNT/JGC