Home NATIONWIDE 5 OFW na apektado ng sigalot sa Haiti, nakauwi na ng bansa

5 OFW na apektado ng sigalot sa Haiti, nakauwi na ng bansa

MANILA, Philippines -Limang overseas Filipino workers (OFW) na apektado ng patuloy na sigalot sa Haiti ang nakauwi na, sabi ng Department of Migrant Workers (DMW).

Kabilang sila sa 40 OFW at unang batch na kusang humiling ng repatriation dahil sa marahas na aktibidad ng grupo sa Haiti.

“The five OFWs voluntarily requested for repatriation from the Department of Migrant Workers and immediately assisted through the DMW AKSYON Fund,” sabi ng Migrant Workers.

Sinabi ng DMW na nakatanggap ng agarang tulong at reintegration support ang limang OFW pagdating sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City.

“Ang pagpapauwi ng mga OFW ay sa pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration,” sabi ng DMW. Jocelyn Tabangcura-Domenden