Home NATIONWIDE DepEd chief Angara sa pagbuhay sa ROTC: It’s up to Congress

DepEd chief Angara sa pagbuhay sa ROTC: It’s up to Congress

157
0

MANILA, Philippines – Ipauubaya na lamang ni Senador Sonny Angara sa mga mambabatas ang usapin sa panukalang mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Matatandaan na isinusulong ni Angara, na siyang pumali kay Vice President Sara Duterte bilang Education secretary, ang pagbuhay sa mandatory ROTC.

Ayon sa incoming DepEd chief, naghihintay na lamang siya ng desisyon ng Senado at Kamara kaugnay dito.

“Ngayon, ang debate ay kung ibabalik ba, at kung ibabalik man, ano ‘yung porma o hugis nu’ng magiging ROTC program natin. Ongoing debate ‘yan,” sinabi ni Angara sa panayam ng DZBB.

“Nakaantabay tayo. Pero tayo, we yield to follow whatever policy direction the Congress sets,” dagdag pa niya.

Noong Hulyo 2022, ipinanukala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbabalik sa ROTC at National Service Training Program (NSTP) bilang mandatory sa mga Grade 11 at 12 students sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.

Tinukoy pa ang panukalang ito bilang priority measures ng administrasyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here