Home METRO Convenience store, gasolinahan sinalakay ng tandem sa Cavite

Convenience store, gasolinahan sinalakay ng tandem sa Cavite

MANILA, Philippines – Dalawang riding in tandem na naka-Joyride na helmet ang pumasok at nangholdap sa isang sangay ng Alfamart sa Trece Martires City, Cavite.

Ayon sa report, magka-angkas sa isang kulay itim na motor na Honda Click, may taas na 5’3 hanggang 5’8 ang taas, nakasuot ng kulay itim na hoody jacket, pulang-tshirt at kapwa naka-maong na pantalon ang mga suspek.

Sa ulat, pumasok sa Alfamart Convenience Store sa Trece-Tanza Road sakop ng Brgy. De Ocampo, Trece Martires City, Cavite ang lalaki na nagpanggap na kostumer at sabay tutok ng patalim saka kinuha ang pera sa kahera na P3,507.00.

Kumuha pa ng Toblerone ang isa sa suspek.

Matapos ang panghoholdap ay sumakay ang suspek sa nag-aabang na motorsiklo.

Samantala, kasunod nito ay hinoldap din at tinangay ang P3,000 cash na kita ng Phoenix gasoline station sa Brgy Malagasang 2F, Imus City, Cavite bandang alas-3:10 ng madaling araw ng Martes, Hulyo 2.

Sa ulat, pinasok ng dalawang suspek ang cashier kiosk ng gasolinahan, naglabas ng hindi nabatid na kalibre ng baril at nagdeklara ng holdap.

Matapos natangay ang pera, sumakay ang dalawa sa isang kulay pula na motorsiklong Honda Click.

Parehong nagsasagawa na ng backtracking ang pulisya sa Closed Circuit Television para sa pagkakakilanlan sa mga suspek sa dalawang insidente ng panghoholdap. Margie Bautista