Home NATIONWIDE DTI naglabas ng price guide sa mga school supply

DTI naglabas ng price guide sa mga school supply

MANILA, Philippines – Naglabas ang Department of Trade and Industry (DTI) nitong Miyerkules, Hulyo 3 ng price guide para sa mga school item nito sakto sa pagbubukas ng bagong school year ngayong buwan.

Sa pahayag, sinabi ng DTI na nagsisilbing price guide sa mga consumer sa pagbili ng school items ang kanilang “Gabay sa Pamimili ng School Supplies” serves as a price guide for consumers in purchasing school items.

Ito ay ang mga sumusunod:

Notebook P11.80 – P52.00
Grades 1-4 pad paper P9.50 – P61.00
Pencils P11.00 – P33.00
Ballpens P3.00 – P33.00
A box of crayons with eight colors P12.00 (regular) – P65.00 (jumbo)
Crayon pack (12-color) P32.00
Crayon pack (16-color) P24.00 – P83.00
Crayon pack (24-color) P34.00 – P114.00.
Sharpeners P15.00 – P69.00
Rulers P16.00 – P29.00
Erasers P4.50 to P20.00.

Sinabi ng DTI na walang naitalang paggalaw ng presyo ang 80 stock keeping units (SKUs) sa 117 o year-on-year na 68%, habang 8% o siyam na SKUs ang nagbaba ng presyo.

Nasa 24% o 28 SKUs naman ang nakitaan ng pagtaas ng presyo.

Samantala, hinimok naman ng DTI ang mga consumer na ugaliing i-check ang label ng mga school supply.

Dapat ay mayroon itong pangalan at address ng manufacturer o importer, dami ng pahina sa mga notebook at papel, at iba pa.

“I urge consumers to buy school supplies from companies that comply with labeling requirements and use the Gabay in shopping. The Gabay indicates which SKUs have not increased or have retained their prices,” ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual.

Ang price guide ay inilabas kasabay ng pagbubukas ng enrollment period ng Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules, Hulyo 3 para sa School Year 2024-2025 sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa. RNT/JGC