Home NATIONWIDE P6.35T badyet sa 2025 target maaprubahan ng Kamara sa Setyembre

P6.35T badyet sa 2025 target maaprubahan ng Kamara sa Setyembre

MANILA, Philippines – Target ng House of Representatives na maaprubahan ang proposed 2025 national budget na P6.352 trillion ngayong Setyembre, sinabi ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Ani Romualdez, “top priority” ng Kamara ang naturang hakbang sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa July 22.

Ang pahayag na ito ay inilabas ng House Speaker matapos na aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang budget sa susunod na taon.

“The House will again work doubly hard to pass the proposed P6.352-trillion 2025 General Appropriations Bill before we go on break this end of September 2024. We will then transmit the GAB to the Senate for its consideration,” saad sa pahayag ni Speaker Romualdez.

“‘Yan ang pinakamalaki, pinakamahalaga, kasi lahat ng programa, lahat ng mga proyekto at initiatives ng ating Presidente at ng administrasyon ni President BBM ay ilalatag,” giit nito sa panayam sa Teleradyo Serbisyo nitong Miyerkules.

Ani Romualdez, sisiguruhin ng Kamara na may sapat na pondo para sa edukasyon, agrikultura, modernisasyon at welfare programs ng armed forces, imprastruktura, at iba pang legacy projects ng pamahalaan na tututukan sa budget allocation.

Sinabi rin niya na ang mga sector na ito ay kailangang suportahan upang gawing abot-kaya ang mga pagkain at mapabilis ang pag-unlad ng bansa sa isang ‘environment of peace and stability.’

“We have to continue building roads, highways, ports, school buildings, climate change-proof structures, and similar infrastructure to maintain and expand economic growth. Progress has to reach the remotest communities,” ani Romualdez. RNT/JGC