Home NATIONWIDE DFA chief, Vatican diplomat nagkasundo sa mapayapang paglutas sa mga alitan

DFA chief, Vatican diplomat nagkasundo sa mapayapang paglutas sa mga alitan

MANILA, Philippines- Nagkasundo sina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Vatican Foreign Minister Archbishop Paul Gallagher, araw ng Martes, na dapat na lutasin nang mapayapa at alinsunod sa international law ang international conflicts gaya ng umiigting na tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Nagpulong ang dalawa sa Manila, kung saan tinalakay ng mga ito ang pagpapalakas ng pagtutulungan sa iba’t ibang usapin “where the Philippines and the Holy See make common cause.”

Ayon kay Manalo, kabilang sa mga naging paksa na pinag-usapan ay ang regional at international issues, kabilang ang developments at mga kaganapan sa West Philippine Sea, Ukraine at  Gaza.

Winika pa ni Manalo na siya at si Gallaghar ay nagbahagi ng parehong perspektibo o pananaw na ang lahat ng tunggalian ay dapat na maresolba “peacefully, on the basis of the rule of international law.”

“We noted our shared perspective that, amidst the various international challenges and conflicts, the international community must be united in preserving a world where differences are resolved peacefully, on the basis of the rule of international law,” giit ni Manalo.

Pinag-usapan din ng dalawa ang tungkol sa panukalang kasunduan sa higher education sa pagitan ng ’ Commission on Higher Education ng Pilipinas at ng Dicastery for Culture and Education ng Holy See– na pinapayagan para sa mutual recognition of degrees na mapakikinabangan ng mga Pilipinong pari at madre na ituloy ang kanilang pag-aaral sa iba’t ibang ecclesiastical at Catholic educational institutions ng Holy See.

“We are committed to working towards the conclusion of the MOU (memorandum of understanding),” ayon pa rin kay Manalo.

Pinag-usapan nina Manalo at Gallagher ang tungkol sa kanilang adbokasiya sa migration governance — binigyang-diin ang kahalagahan ng ‘safe migration pathways at humane treatment’ ng lahat ng migrants — at karagdagang kooperasyon sa interfaith dialogue.

Bukod pa rito, nagbahagi ang dalawa ng katulad na posisyon sa climate change at climate resilience.

“The Philippines share His Holiness’ call for the urgent need to work together to address the climate crisis. We look forward to close collaborations in this area with the Holy See,” ang winika ni Manalo.

Tinuran ni Manalo na ang kanyang patuloy na pagpapalitan kay Gallagher ay nagsimula sa Munich noong 2023, at nagsilbi bilang testimony ng “joint commitment of the Philippines and the Holy See to advance and strengthen our relations.” Kris Jose