Home NATIONWIDE DFA Consular Office sa CDO sarado bukas

DFA Consular Office sa CDO sarado bukas

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Sabado, Hunyo 14 na sarado ang Consular Office nito sa Cagayan de Oro City bukas, Hunyo 16.

Sa abiso, sinabi ng DFA na ang suspensyon ng operasyon ay bilang paggunita sa 75th Charter Day anniversary ng lungsod.

“Affected passport applicants will be accommodated within 30 days from their original appointment date,” ayon sa DFA.

Nag-abiso ang ahensya sa mga aplikante ng pasaporte na may agarang pangangailangan na makipag-ugnayan sa Consular Office sa pamamagitan ng email na [email protected].

Magbabalik ang operasyon sa Martes, Hunyo 17. RNT/JGC