Home NATIONWIDE DFA: Katawan ng Pinay na napatay sa Slovenia, maiuuwi na ngayong linggo

DFA: Katawan ng Pinay na napatay sa Slovenia, maiuuwi na ngayong linggo

MANILA, Philippines – Posibleng maiuwi na ngayong linggo ang bangkay ng Filipina migrant na napatay ng kanyang asawa sa Slovenia, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes, Enero 13.

“Possible within the week kasi nakuha na ang autopsy report. Pero hindi po guaranteed,” pahayag ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega.

Ayon sa ahensya, nakikipagtulungan na ang Philippine Embassy sa Vienna sa mga awtoridad sa Slovenia para sa repatriation ng mga labi ni Marvil Facturan at pagkamit ng hustisya sa biktima.

Tutulong din umano ang Philippine Honorary Consul sa Bratislava sa pagkalap ng impormasyon at pagpapabilis ng koordinasyon.

Si Facturan ay napatay ng kanyang asawa na si
Mitja Kocjancic, habang nagbabakasyon sa Bled, Slovenia noong Disyembre 29, ayon sa Commission on Filipinos Overseas. RNT/JGC