
NITONG nakaraang mga taon, sinabi ni Pope Francis na bawal pumasok ang mga ‘beki’ sa mga seminaryo at maging pari.
Kasagsagan noon ng pagkalkal sa mga kasong pedopilya na kinasasangkutan hindi lang ng mga pari kundi maging ng mga obispo at kardinal sa Europa, Amerika, Australia at iba pa.
Nagdulot ito ng napakalaking iskandalo at kahihiyan sa buong Simbahang Katolika hanggang sa halos wala nang dumadalo sa mga misa at sakramento at magsara ang ilang simbahan para lang maging hotel at pang-honeymoon ng mga bagong kasal.
Kasama sa mga ito ang dating monasteryo at ngayo’y Fontevraud L’Hôtel, Anjou, France; dating simbahan at ngayo’y Kruisherenhotel Maastricht, Netherlands; dating monasteryo at ngayo’y San Domenico Palace Hotel, Taormina, Sicily, Italy; Monastero Santa Rosa Hotel & Spa, Amalfi, Italy; Convento do Espinheiro, Évora, Portugal; Sofitel Legend Santa Clara Cartagena, Colombia; Belmond Hotel Monasterio, Cusco, Peru; bahay-pari na Church Boutique Hotel Nha Tho, Hanoi, Vietnam ngayon; Le Monastère des Augustines, Quebec City, Canada; at iba pa.
Ayon sa mga imbestigasyon sa pedopilya, karaniwang mga bading na pari, obispo at kardinal ang mga sangkot sa panghahalay sa mga batang lalaki.
At hindi lang iisa ang hinahalay ng mga ito kundi dalawa, tatlo at marami pa na mga batang sakristan sa simbahan at estudyante sa kanilang itinayong mga iskul at seminaryo.
Kaya gayun na lang ang galit mismo ni Pope Francis sa mga pedophile na sugo ng diyos.
Pero ngayon, niluluwagan na ang pagtanggap sa mga gustong magpari, lalo na sa bansang Italya.
Pero may kondisyon: Huwag silang kumarengkeng o mangarengkeng.
Dapat tindigan ng mga ito ang hindi pakikipagrelasyon at manatiling ‘celibate’ o walang sex partner o asawa.
Hindi rin dapat na sumuporta sa mga kultura at gawaing pambading.
Kung hindi, gumampan na lang sila ng ibang mga tungkulin sa simbahan.
O mag-aplay na sa seminaryo pero hindi dapat ipakita ang namimilantik na mga daliri at paglalakad nang pakendeng-kendeng.