Home HOME BANNER STORY DFA: Pagpapalakas ng ugnayan ng Pinas sa US, Japan ‘sovereign choice’

DFA: Pagpapalakas ng ugnayan ng Pinas sa US, Japan ‘sovereign choice’

MANILA, Philippines- Isang “SOVEREIGN CHOICE” ang naging desisyon ng Pilipinas na palakasin ang ugnayan nito sa Japan at Estados Unidos, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Hinikayat din ng DFA ang China na busisiin sa mga aksyon nito sa South China Sea.

“The source of tension in our region is well known to all,” ayon sa kalatas ng nasabing departamento.

“It is China’s excessive maritime claims and aggressive behavior, including its militarization of reclaimed features, that are undermining regional peace and stability and raising tensions,” dagdag na pahayag ng DFA.

TUgon ito ng DFA sa pambabatikos ng Tsina sa kamakailan lamang na trilateral summit sa pagitan nina US President Joe Biden, Japanese Prime Minister Fumio Kishida at Philippine President Ferdinand Marcos Jr.

Nagkaisa naman ang tatlong lider na ihayag ang kanilang “serious concerns” sa “dangerous and aggressive behavior in the South China Sea” ng China.

Nauna rito, kinontra ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Mao Ning ang umano’y pagbuo ng “exclusive circles in the region” at ang anumang “acts that stoke and drive up tensions.”

Inakusahan din ni Mao ang Estados Unidos na nakakapit sa “Cold War mentality” sa pagbabanta sa mga karibal sa pamamagitan ng pagsanib sa regional allies.

“Unwarranted references to the Cold War sensationalize the situation and misrepresent the peaceful purpose of the trilateral cooperation,” tugon ng DFA.

Tinuran ng DFA na nakasisira sa regional peace at stability at nagpaigting lang ng tensyon sa pinagtatalunang katubigan ang naging hakbang ng Tsina.

“It is also reasonable for participants to discuss regional security issues of mutual concern, challenges to the rule of law, and the peaceful resolution of outstanding disputes,” giit ng DFA.

“In the case of the South China Sea, the UN Convention on the Law of the Sea and the final and legally-binding 2016 Arbitral Award provide definitive lawful basis for the determination of the sovereign rights and jurisdiction within the Philippines’ maritime entitlements,” lahad pa rin ng departamento. Kris Jose