Home NATIONWIDE DHSUD namahagi ng 1,000 bahay sa mga benepisyaryo ng 4PH sa Bulacan

DHSUD namahagi ng 1,000 bahay sa mga benepisyaryo ng 4PH sa Bulacan

196
0

MANILA, Philippines – SINIMULAN na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pamamahagi ng mahigit 1,000 housing units sa Santa Maria Highlands, Bulacan.

Sa katunayan ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ipnangunahan ni DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling ang turnover bilang bahagi ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (4PH).

Ang proyekto, na suportado ng Pag-IBIG Fund, ay may 33 gusali at 11,016 unit, na inaasahang makikinabang ang humigit-kumulang 30,000 katao. Nakatanggap na ng sertipiko at susi ang mahigit isanllibong unang batch ng benepisyaryo.

Ayon sa DHSUD, simula pa lamang ito ng mas malawak na pamamahagi upang mas maraming pamilyang Pilipino ang magkaroon ng sariling tahanan. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here