MANILA, Philippines – Hindi lamang report ng Malakanyang ang hinihintay ng mamamayan sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “BBM” Marcos Jr., kundi ang resibo na isang patunay at gagawin pa ng gobyerno upang maiahon ang mamamayan sa kahirapan, ayon kay Senador Risa Hontiveros.
Sa panayam, sinabi ni Hontiveros na gustong marinig ng taumbayan kung paan oba agarang aaksiyunan ni Marcos ang nagtataasang halaga ng singil sa kueryente,tubig, petrolyo at pagkain.
Kabilang sa inaasahan ng taumbayan, ayon pa kay Hontiveros, kung paano palalakihin ang take-home pay ng bawat manggagawa. “kung ang bawat sentimo ng P85 minimum wage hike ay diretso lang sa pambayad ng kuryente?”
“Paano tatapusin ang joblessness crisis lalo pa’t maraming kabataan sa iba’t ibang rehiyon, pati mga college graduate, ang hirap humanap ng liveable na trabaho o kabuhayan?.” ayon kay Hontiveros.
“At paano ba maalis ang korapsyon sa gobyerno, na nakakaapekto na sa investor confidence ng bansa?,” dagdag ng senadora.
Ayon kay Hontiveros na hindi ramdam ng maraming Pinoy ang tinaguriang “upper middle income status” ng bansa na mas mahirap ngayong may global crisis sanhi ng giyera sa Gitnang Silangan.
Sa halip na ayuda lang, ayon kay Hontiveros, dapat pagtuunan ng gobyerno ang paghahatid ng solusyon sa problema upang gumaan ang pamumuhay ng naghihirap na taumbayan.
Narito ang mungkahi ni Hontiveros:
1. Sa energy sector, dapat siguraduhin na maiwasan ang lalong pagtaas ng kuryente, at malawakang brownout. The government should use its full regulatory arsenal against erring generation companies, address delays in the building of power plants, and remove pass on charges. Gamitin ang VAT windfall revenues para mapalawak ang lifeline rates, i-refund ang singil sa bogus fuel cost, at paglipat sa renewal energy para sa mura at sustainable na suplay ng kuryente. Protektahan din ang konsyumers sa dumaraming reklamo sa bill — dapat walang disconnection habang nirereview ang billing.
2. Sa agrikultura, hindi sapat ang limitadong P20 per kilo ng bigas program at konting ayuda sa magsasaka. Our crops are weak, farmers are wary of Super El Nino. Kapag hindi inayos ang supply shock, baka mapunta tayo sa P80 per kilo ng bigas. We need targeted fuel and fertilizer subsidies, ASAP.
3. Sa public transportation, umaasa tayo na palalawakin ang tulong sa PUV sector by expanding the service contracting program in major areas. Mas tiyak ang bayad sa tsuper, mas marami ang masasakyan ng commuters at hindi sila mangangailangan ng ayuda.
4. Dapat ding ilahad ng pamahalaan kung paano nito palalawakin ang public health services, at sa mas pinalakas na Zero Balance Billing program at iba pang bahagi ng universal healthcare. Amid higher costs of living, more and more Filipinos will depend on public health services.
“Sana marinig natin ang mga iyan, hindi lang sa SONA ng Pangulo, kundi sa mga susunod na anunsyo mula sa Malakanyang. Dahil ang tunay na resibo ng isang SONA ay hindi lang pangako, kundi mga solusyong nagpapagaan sa buhay ng bawat Pilipino,” ayon kay Hontiveros. Ernie Reyes