Home HOME BANNER STORY ‘Di pagbibigay ng medical attention kay FPRRD itinanggi ng Malakanyang

‘Di pagbibigay ng medical attention kay FPRRD itinanggi ng Malakanyang

MANILA, Philippines – BINIGYAN ng medical attention si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte kasunod ng pag-aresto sa kanya para sa kanyang kasong crimes against humanity.

Sa katunayan, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa press conference sa Malakanyang, na tinrato si Duterte bilang isang dating Pangulo ng bansa at isang mamamayang Filipino.

”Hindi po ‘yan totoo dahil nu’ng panahon po na siya po ay nasa kustodiya na po, ang pagtrato po sa kanya ay ‘di po basta-basta,” ang sinabi ni Castro.

”Wala pong katotohanan na ‘di siya binigyan ng atensyon,” dagdag na wika nito.

Sa ulat, sinabi ng anak ni dating Pangulong Duterte na si Kitty Duterte na hindi umano pinahintulutan ng awtoridad ang kanyang ama na sumailalim sa medical procedure na kailangan nito.

Sa Instagram story ni Kitty nitong Martes ng hapon, Marso 11, makikita ang sulat ng doktor ng dating Pangulo.

“We are being illegally detained at 250th Presidential Airlift Wing Col. Jesus Villamor Air Base Pasay City. They aren’t allowing my dad to seek the medical attention he badly needs,” ang sinabi ng presidential daughter. Kris Jose