Home HOME BANNER STORY ‘Di pinangalanang bansa payag tanggapin si Duterte sa hirit na interim release

‘Di pinangalanang bansa payag tanggapin si Duterte sa hirit na interim release

252
0

MANILA, Philippines – Humiling si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) ng pansamantalang paglaya patungo sa isang hindi pinangalanang bansa.

Ayon sa kanyang abogado na si Nicholas Kaufman, pumayag na ang nasabing bansa na tanggapin si Duterte at makipagtulungan sa ICC.

Wala rin umanong pagtutol mula sa prosekusyon basta’t masunod ang mga itinakdang kundisyon.

Iginiit ng depensa na hindi banta si Duterte sa pagtakbo o sa integridad ng imbestigasyon, kaya’t nararapat siyang palayain ayon sa Article 58(1) ng Rome Statute.

Binigyang-diin din ang kanyang edad, kalagayang pangkalusugan, at mga makataong dahilan.

Si Duterte, 80 taong gulang, ay inaresto sa Maynila noong Marso 11 at nakakulong ngayon sa The Hague mula Marso 13.

Ipinahayag ng bansang tatanggap sa kanya ang kahandaang sumunod sa anumang kondisyon ng ICC bilang bahagi ng kanilang suporta sa pandaigdigang hustisya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here