Home HOME BANNER STORY PBBM nagpaabot ng pakikiramay sa India sa bumulusok na passenger plane

PBBM nagpaabot ng pakikiramay sa India sa bumulusok na passenger plane

MANILA, Philippines – NAGPAABOT ng taos-pusong pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa india matapos bumagsak sa hilagang-kanlurang siyudad ng Ahmedabad ang isang Air India passenger plane na may sakay na 242 katao ilang minuto lamang makaraang mag-take off ito.

“Filipinos are deeply saddened by the tragic crash of Air India Flight AI-171 in Ahmedabad,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang post sa X.

“On behalf of the Filipino people, I extend our most heartfelt condolences to Prime Minister Narendra Modi, the Government of India, and especially to the families and loved ones of all those who lost their lives,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.

“The Philippines stands in full solidarity with the people of India following the tragedy,’ aniya pa rin.

“Our thoughts are with every family, across India and beyond, grieving this profound loss,” ang winika ng Pangulo.

Sa ulat, ang flight ay patungong London kasama ang mga tao mula sa India, Britain, Portugal at Canada.

Mayroon namang isang Canadian citizen ang sakay ng naturang eroplano.

Ito ay nakadestino na lumipad sa Gatwick Airport at inaasahan na darating sa huling bahagi ng Huwebes.

Sinabi ni Faiz Ahmed Kidwai, ang director general ng directorate ng civil aviation, sa The Associated Press na ang flight AI 171, isang Boeing 787, ay bumagsak sa isang residential area na tinatawag na Meghani Nagar limang minuto pagkatapos mag-take off bandang 1:38 p.m. local time.

Ang bidyo sa lokal na mga channel ng telebisyon ipinakita ang usok mula sa crash site malapit sa paliparan ng Ahmedabad.

“May the victims be remembered with dignity, and may the ongoing efforts to understand this tragedy bring comfort and clarity to those left behind,” ang sinabi pa rin ni Pangulong Marcos.

Sinasabing nasawi ang lahat ng 242 pasahero ng Air India plane na nag-crash sa Ahmedabad, ayon sa mga pulis sa India. Kris Jose