Home NATIONWIDE DICT humiling ng P2.7B e-Government program sa 2027

DICT humiling ng P2.7B e-Government program sa 2027

5
0

MANILA, Philippines – Humihiling ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng ₱2.7 bilyong pondo para sa mga e-Government (eGov) program nito sa 2027.

Ayon sa DICT, gagamitin ang pondo para sa cloud hosting, cybersecurity, system integration, at developer compensation. Kabilang dito ang ₱800 milyon para sa pagpapahusay at pagpapanatili ng eGov Super App.

Sinabi ng DICT na ang natitirang pondo ay ilalaan sa pagpapalawak ng cloud infrastructure, pagpapalakas ng cybersecurity, pagpapanatili ng mga programmer, at pag-uugnay ng mga sistema ng mga ahensya ng gobyerno sa iisang digital platform.

Inihahanda rin ng ahensya ang pakikipagtulungan sa mga lokal na IT startup at tech community upang matiyak ang pangmatagalang pagpapatuloy ng mga digital services.

Ayon sa DICT, umabot na sa 61 milyong downloads at mahigit 900 milyong transaksyon ang eGov app, na nag-aalok ng 1,332 government e-services. Samantala, higit 92 milyong Digital National ID na rin ang naibigay, habang mahigit 1,300 government systems ang naisama na sa eGov framework. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here