Home NATIONWIDE Digital cash aid, pinag-aaralan ng DSWD, upang maiwasan mahabang pila

Digital cash aid, pinag-aaralan ng DSWD, upang maiwasan mahabang pila

112
0

MANILA, Philippines – Tinitingnan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paggamit ng digital payment systems tulad ng e-wallets sa pamamahagi ng cash aid, kasunod ng pagkamatay ng isang motorcycle taxi rider habang nakapila sa payout sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.

Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, may isinasagawang konsultasyon para sa pag-adopt ng electronic systems.

“Meron na tayong ginagawa na konsultasyon para sa adoption naman ng mga digital systems kasi nakikita naman natin ‘yung value ng pag-adopt ng mga electronic wallets,” aniya.

Dagdag niya, “Especially sa panahon na ganito na mainit po ‘yung panahon, ayaw talaga natin na pumipila rin ‘yung ating mga vulnerable sectors,” at makakatulong din ito para mabawasan ang gastos sa operasyon.

Inamin ng DSWD na hindi nila inasahan ang dami ng dumagsang benepisyaryo sa payout site at kinikilala na may kailangang ayusin sa crowd control at sistema ng pila.

Kasalukuyan pang hinihintay ang death certificate ng rider kaya wala pa ring opisyal na dahilan ng kanyang pagpanaw, ngunit tiniyak ng ahensya na nabigyan na ng tulong ang pamilya nito.

Patuloy rin ang pamamahagi ng cash assistance at mag-aanunsyo pa ng panibagong schedule para sa mga hindi nakakuha.

Iniimbestigahan din ng DSWD ang reklamo sa Taguig kung saan umano’y may ibang nakapag-claim ng ayuda gamit ang pangalan ng isang rider.

Samantala, pinag-aaralan din ng ahensya ang posibleng pagpapalawak ng ayuda para sa iba pang sektor na apektado ng energy-related challenges, kabilang ang middle class, senior citizens, at persons with disabilities. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here