Home METRO Soil-covering ops sa nasusunog na Navotas landfill, patuloy isinasagawa

Soil-covering ops sa nasusunog na Navotas landfill, patuloy isinasagawa

88
0

MANILA, Philippines – Patuloy ang operasyon ng mga awtoridad para maapula ang apoy sa lumang Navotas Sanitary Landfill hanggang Linggo ng gabi, Abril 19, gamit ang patuloy na pagtabon ng lupa at smoke mitigation efforts.

Ayon sa ulat ng lokal na pamahalaan, tuloy-tuloy ang paglalagay ng lupa sa mga natukoy na hotspots sa ilalim ng tambak ng basura upang masapol ang apoy sa loob ng landfill.

May isinasagawa ring misting operations upang mabawasan ang usok at mapabuti ang kalidad ng hangin sa mga apektadong lugar.

Binuksan din ang karagdagang access road para mapabilis ang pagpasok ng mga kagamitan at tauhan sa firefighting operations.

Bandang alas-6 ng gabi, naitala ang Air Quality Index (AQI) sa Navotas sa 138, na nasa “orange” category—ibig sabihin, hindi ligtas para sa mga sensitibong grupo tulad ng mga bata, matatanda, at may sakit sa paghinga.

Pinapayuhan pa rin ang mga residente na magsuot ng face mask at limitahan ang paglabas ng bahay hangga’t maaari.

Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan sa mga ahensya ng gobyerno, partner organizations, at pribadong sektor na tumutulong sa operasyon, habang tiniyak na magpapatuloy ang pagbibigay ng updates hanggang tuluyang maapula ang sunog. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here