BATANGAS, Philippines – Idineklarang patay na ng dumating sa pinakamalapit na pagamutan ang isang mister matapos itong aksidenteng mabundol ng isang Fuso Canter sa pedestrian lane noong Sabado sa kahabaan ng Maharlika Highway Barangay San Jose Sto Tomas, Batangas.
Kinilala ang biktimang nasawi na nagtamo ng sugat sa ulo na idineklarang patay ng idating sa Laurel District Hospital na si Alyas Jayson, nasa hustong gulang, naninirahan sa nabanggit na lalawigan.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng Sto Tomas City Component Police Station dakong alas-4:30 ng madaling -araw habang ang biktima na kasalukuyan umanong tumatawid sa pedestrian lane nang bigla itong aksidenteng mabundol ng isang Fuso Canter na minamaneho ni Alyas Pedro.
Napag-alaman na ang Fuso Canter ay galing umano sa Bulacan kung saan patungo ito sa San Pablo City, Laguna ng maganap ang insidente.
Samantalang, kaagad na isinugod ng rescue team ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ang biktima sa Laurel District Hospital ,subalit idineklarang dead on arrival ang biktima. /Ellen Apostol