Home METRO 17-anyos, huli sa kasong statutory rape

17-anyos, huli sa kasong statutory rape

95
0

MANILA, Philippines – Arestado ang 17-anyos na Child in Conflict with the Law (CICL) na may kasong Statutory Rape sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento, nitong April 13, 2026, nang maglabas ang Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Branch 270, ng warrant of arrest laban sa CICL.

Ang warrant ay para sa kasong Statutory Rape under Article 266-A, paragraph 1(a) of the Revised Penal Code, as amended by Republic Act 11648, the Anti-Rape Law of 1997 na walang inirekomendang piyansa.

Alas-12:10 ng hapon nang isilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni P/Lt. Felix Viernes ang nasabing warrant of arrest laban sa CICL sa harap ng kanyang ina sa Barangay Marulas.

Kasunod ng dokumentasyon sa WSS, ang CICL ay inilipat sa Women and Children Protection Desk (WCPD) para sa tamang disposisyon bago ibinalik ang warrant sa pinanggalingan ng korte. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here