MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, ang pag-inspeksyon sa Service Contracting Program (SCP) ng Department of Transportation’s (DOTr) sa Araneta Center Terminal sa Cubao, Quezon City.
Binibigyang diin nito ang pangako ng gobyerno na pagaanin ang epekto ng tumataas na global oil prices sa mga manggagawa sa transportasyon at mga mananakay.
Pinangunahan ng DOTr at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang SCP ay nagbibigay ng financial aid sa public utility vehicle (PUV) operators kapalit ng pagsunod sa awtorisadong ruta, deployment ng units, at pagkakaloob ng fare discounts sa mga pasahero.
Sakop ng programa ang mga jeepneys, UV Express units, at buses, naglalayong ipagpatuloy ang operasyon habang pinagagaan ang paghihirap ng mga mananakay sa pamamagitan ng pagbawas sa pamasahe at paghusayin ang serbisyo.
Winika ng Pangulo na ang inisyatiba ay para suportahan ang both transport operators at mananakay sa gitna ng tumataas na presyo ng langis dahil sa labanan sa Gitnang Silangan.
Tiniyak ng Chief Executive na magpapatuloy ang suporta ng gobyerno habang ang presyo ng langis ay sumisirit.
May 20,000 traditional at modern jeepneys, buses, at UV Express ang inaasahan na magpartisipa sa programa.
Makatatanggap naman ang mga drivers at operators ng P30-P100 kada kilometro na tulong mula sa gobyerno maliban sa kanilang kita mula sa pamasahe.
Samantala, may 20% fare discount naman ang ipagkakaloob para sa regular passengers habang 40% discount naman ang ibibigay sa senior citizens, students at PWDs.
Sa kabilang dako, sa potensiyal na epekto ng geopolitical tensions sa Gitnang Silangan, sinabi ng Pangulo na nananatiling naka-alerto ang gobyerno partikular na sa pagtulong sa mga overseas Filipino workers (OFWs).
“Alagang-alaga natin ang ating mga OFW. Yung mga umuuwi, tinutulungan natin sa repatriation at binibigyan ng livelihood support pagbalik dito,” ayon sa Pangulo.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng Pangulo ang volatility ng global oil prices dahil sa nag-eebolusyon na situwasyon sa rehiyon, sabay sabing patuloy ang gobyerno sa ginagawa nitong paggalugad sa karagdagang hakbang para pagaanin ang epekto sa mga filipino. (KRIS JOSE)