MANILA, Philippines – Tinanggihan ng pamahalaan ng Australia ang pag-host kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling payagan siya ng International Criminal Court (ICC) ng pansamantalang paglaya.
Bagamat nabanggit ng kampo ni Duterte ang isang hindi pinangalanang bansa na tatanggap sa kanya, kinumpirma ng Australia na hindi nila ito pinag-iisipan at iniwan na ang desisyon sa ICC.
Haharapin ni Duterte ang mga kaso ng crimes against humanity sa ICC dahil sa war on drugs. Humihiling ang kanyang kampo ng pansamantalang paglaya sa isang ikatlong bansa, ngunit tinutulan ito ng Office of the Prosecutor na humiling na tanggihan ang kahilingan. RNT