MANILA, Philippines – Pormal nang natanggap ng Senado ang tugon ng House prosecutors laban sa depensa ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng kanyang impeachment.
Tinawag ng mga tagausig na “mali” at “mapanlinlang” ang pahayag ni Duterte sa kanyang Answer Ad Cautelam na wala nang hurisdiksyon ang Senado sa kaso matapos umano itong ibalik sa Kamara.
Iginiit ng mga tagausig na nananatili sa Senado ang hurisdiksyon sa reklamo, na inihain pa noong ika-19 na Kongreso, at inakusahan si Duterte ng matinding pag-abuso sa kapangyarihan at pagtataksil sa tiwala ng publiko.
Nauna nang humiling ang Senado ng sertipikasyon mula sa Kamara upang muling pagtibayin ang bisa ng reklamo matapos ang paglipat sa ika-20 Kongreso. RNT