MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ang pag-aalis ng bus lane sa EDSA.
Sa kabilang banda, gagamitin din ang bike lane para madaanan ng mga motorsiklo.
Ito ang ibinahagi ni Interior Secretary Jonvic Remulla kasabay ng pagpupulong para sa Comprehensive Traffic Management Plan for Metro Manila at sa mga kalapit na probinsya.
Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nanguna sa pagpupulong na isinagawa nitong Martes, Pebrero 4.
“Number one, they will modify the bicycle lanes. They will turn them into two-wheel lanes,” ani Remulla sa isang panayam nitong Miyerkules.
“Instead of purely bicycles, the lanes will include motorcycles.”
Ani Remulla, maiiwasan ang mga aksidente sa ganitong hakbang.
Aniya, nasa 70% ng mga aksidente sa motorsiklo ay mga motorsiklong nakikipagpatintero sa trapiko.
“Number two, the bus lanes will be eventually phased out because the MRT’s capacity will increase,” ani Remulla.
Dahil dito, inaasahang tataasan ang kapasidad ng MRT mula 300,000 pasahero ay gagawing 800,000 pasahero ngayong taon.
“Now, the capacity will be increased. More wagons will be added. The rails will be modified. It will be able to take 800,000 [referring to passengers], which will make up for the number of people riding the bus every day,” sinabi pa niya.
Samantala, sa kaparehong panayam ay sinabi ni Remulla na posibleng magbayad na rin ang mga sasakyan na dadaan sa EDSA upang hikayatin ang mga ito na sumakay na lamang ng MRT. RNT/JGC