Home NATIONWIDE DILG sa LGUs: Alituntunin sa paggamit ng paputok ikasa

DILG sa LGUs: Alituntunin sa paggamit ng paputok ikasa

MANILA, Philippines- Nanawagan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla nitong Biyernes sa local government units (LGUs) na mahigpit na magpatupad ng mga regulasyon sa mga paputok bilang paghahanda para sa New Year’s Eve celebrations, nilalayong bawasan ang firecracker-related injuries.

“LGUs must restrict the use of firecrackers to community fireworks displays that have secured necessary permits and conduct public awareness campaigns on the dangers of prohibited fireworks,” anang DILG.

Inatasan din ng departamento ang Bureau of Fire Protection (BFP) na tiyaking tumatalima ang designated fireworks display zones sa Republic Act No. 9514, kilala rin bilang Fire Code of the Philippines.

Gayundin, inatasan ang Philippine National Police (PNP) na samsamin at wasakin ang illegal firecrackers upang hindi magamit ang mga ito.

Hinikayat ng DILG ang publiko na iwasang bumili ng illegal o hazardous fireworks.

Sa halip, inirekomenda nito ang mas ligtas na alternatibo tulad ng torotot, recycled containers, mga kaldero, at iba pang gamit sa bahay upang mag-ingay.

Nagkasa na ang ilang LGUs, kabilang ang Quezon City at Caloocan City, ng designated fireworks display zones para sa December 31 celebrations.

Hanggang nitong December 27, iniulat ng Department of Health (DOH) ang 101 firecracker-related injuries sa buong bansa mula December 22. RNT/SA