Home NATIONWIDE Party-lists groups na swak sa top 8 sa SWS survey alamin

Party-lists groups na swak sa top 8 sa SWS survey alamin

MANILA, Philippines- Pasok ang Pagtibayin at Palaguin ang Pangkabuhayang Pilipino (4Ps) party-list at apat na House leaders-led party-lists sa top 8 rankings sa pinakabagong 2025 elections commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Ipinakita ng SWS survey sa voter preference para sa party-lists, kinomisyon ng Stratbase Consultancy, na nanguna ang 4Ps sa ranking sa 13.51%, sinundan ng ACT-CIS party-list sa 5.63%, Senior Citizens party-list sa 4.62%, at Duterte Youth party-list sa 4.14%.

Swak din sa top eight ang Ako Bicol party-list sa 3.56%, Tingog party-list sa 2.86%, TGP party-list sa 2.48%, at Uswag Ilonggo party-list sa 2.20%.

Matatandaang ang 4Ps party-list ang party-list group na nakakuha ng unang pwesto sa balota para sa 2025 national and local elections.

Isinagawa ang survey mula December 12 hanggang 18, 2024 kung saan tinanong ang 2,097 registered voters na edad 18-anyos pataas: “If elections were to take place today, which PARTY-LIST would you most probably vote?”

Binigyan ang respondents ng listahan ng 156 party-list names mula sa Commission on Elections at inihayag nila ang kanilang kasagutan.

Ang sampling error margins ay ±2.1% para sa national percentages, ±5.3% para sa Metro Manila, ±3.0% para sa Balance Luzon, at tig-±5.2% para sa Visayas at Mindanao. RNT/SA