Home NATIONWIDE DILG sa LGUs: Ban sa trikes, pedicabs sa mga highway pairalin

DILG sa LGUs: Ban sa trikes, pedicabs sa mga highway pairalin

MANILA, Philippines- Muling pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Martes ang local government units (LGUs) na mahigpit na ipatupad ang pagbabawal sa pedicabs at tricycles sa national roads at highways.

“It is unfortunate that many LGUs have not been strictly implementing such regulations which often result in traffic congestion and accidents,” pahayag ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr.

Ito ay matapos mabangga ng isang pampasaherong bus ang tricycle sa national highway sa Labo, Camarines Norte noong Feb. 4.

Sinabi ni Abalos na bagama’t kapaki-pakinabang ang mga tricycle at pedicab bilang abot-kayang uri ng transportasyon, pinakamahalaga pa rin ang kaligtasan ng mga driver, pasahero at road users.

Subalit, binigyang-diin ng DILG chief na sakaling walang alternatibong ruta, maaaring mag-isyu ng exception ang LGUs. RNT/SA

Previous articleM-5.2 quake tumama sa Surigao del Sur
Next article3 bus nalibing sa landslide!