Home METRO M-5.2 quake tumama sa Surigao del Sur

M-5.2 quake tumama sa Surigao del Sur

MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 5.2 na lindol sa Surigao del Sur nitong Martes, alas-10:37 ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Natukoy ng Phivolcs ang epicenter ng lindol 25 kilometers (km) southeast ng Cagwait, Surigao del Sur. 

Tectonic ang nasabing lindol na may lalim na 38 km.

Naramdaman ito sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV – Cagwait at Hinatuan, Surigao del Sur
Intensity II – City of Bislig, Surigao del Sur

Walang inaasahang pinsala at aftershocks, ayon sa Phivolcs. RNT/SA