Home OPINION DISASTER EMERGENCY PREPAREDNESS PLANS, DRILLS SA ESKWELAHAN

DISASTER EMERGENCY PREPAREDNESS PLANS, DRILLS SA ESKWELAHAN

253
0

EMERGENCY ang tawag sa isang aksidente o natural event na maaaring magdulot ng single o multiple serious injuries at pagkasira ng mga ari-arian kung hindi magagawaan ng nararapat at mabilisang aksyon.

Mas mainam kung pinaghahandaan ng eskwelahan ang iba’t-ibang klase ng disaster at emergency plan para sa proteksyon ng estudyante, guro at staff. Maliban sa kaso ng fire at earthquake, kailangang mapag-usapan din ang mga preparasyon na maaaring mangyari sa loob at labas ng school premises tulad ng extreme weather condition (low pressure, typhoon), pagbaha, chemical spill, poisoning, collapse of a person, violence and aggression injuries, kidnapping, road accident at iba pa. Napapanahon ang ganitong inisyatiba lalo na ngayong tag-ulan.

Makatutulong ang komprehensibong paglalatag ng mga plano upang maging klaro at epektibo ang implementation nito. Kasama din sa tinatalakay ang mga secondary hazard at panganib na maaaring suungin ng mga papasok at lalabas ng eskwelahan. Tulad na lamang ng possible injuries dahil sa flying objects dala ng malakas na hangin, pagkakaroon ng fire, sakit sa balat at loob ng katawan tulad ng baga o atay dahil sa chemical spill, leptospirosis dahil sa baha at iba pa. Kapag mabuti at maayos ang pagpaplano, maiiwasan natin ang mga ito at mabibigyan din ng proteksyon ang mga miyembro ng emergency response team.

Kinakailangan ding sumunod sa bawat duties and responsibilities ang sinoman na mabibigyan ng role sa bawat emergency.

At syempre pa, kaakibat ng isang successful na plano ang pagsasagawa ng training at drills, pagpapaskil ng emergency hotline and procedures, pagsasaayos ng assembly point, updated contact sa internal resources, updated emergency hotline number ng barangay, police at fire station, inspection sa mga emergency at iba pa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here