MANILA, Philippines – KINOKONSIDERA ng 72% adult Filipino ang false information bilang malaking problema sa bansa.
Ito ang makikita sa resulta ng Pulse Asia’s July 2026 survey.
Ayon sa Ulat ng Bayan National Survey, sa mga nasabing sagot, ang false information ang nakakuha ng 32% at nagpahayag na “very big” at 40% naman ang nagpahayag ng “somewhat big.”
Samantala, may 24% naman ang nagpahayag ng indecision sa usapin habang 4% naman ang itinuturing ang pagpapakalat ng fake news ang maituturing na maliit na problema.
Sa kabila ng natuklasan, mayorya naman ang nagsasabi na ang disinformation ay isang malaking alalahanin, 56% lamang ng adult Filipino ang nagpahayag na ang trustworthy ang source para iberipika kung ano sa dalawang magkaibang bersyon ng impormasyon ang totoo.
Tinatayang may 19% ang nagpahayag na naniniwala sila na ang impormasyon ang mas sinasang-ayunan, 14% naman ang naniniwala na ang first information na kanilang na-encounter at 11 11% simpleng tinanggap na mayroong dalawang panig ang bawat kuwento.
Makikita sa resulta ng survey na 41% ng adults ang naniniwala sa ibinahagi ng maraming tao sa online habang 44% ang undecided.
Ang survey ay isinagawa noong Hunyo 28 hanggang Hulyo 3 at Hulyo 6 sa pamamagitan ng face-to-face interviews na may 2,400 adults.
Mayroon itong ±2 percentage-point margin of error na may 95% confidence level para sa national estimates at ±4 percentage points para sa Metro Manila, ang natitirang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ayon sa survey, 85% ng adults ang internet users na may 80% ang nago- online ng mahigit sa isang beses sa isang araw.
May kabuuang 100% ang gumagamnit ng internet para i-check ang kanilang social media accounts habang 97% ang gumagamit ng internet para makakuha ng political news.
Samantala, may 99% of internet users ang gumagamit para sa Facebook na may 91% ang gumagamit ng platform bilang kanilang online source ng balita. 73% ng mga users ang gumagamit para sa kanilang Youtube accounts na may 61% ang gumagamit dsa plataporma bilang kanilang source para sa balita.
“Facebook is the online news source of most, if not nearly all, internet users across the different areas and classes (89% to 95% and 90% to 98%, respectively),” ang sabi sa survey,.
“As for YouTube, it is also mentioned by small to huge majorities in most areas and classes,” dagdag pa nito.
Mayroon namang 42% internet users ang gumamit para sa Tiktok, 17% ang gumagamit para sa Instagram, at 6% ay gumagamit naman para sa Twitter/ X. KRIS JOSE