Home NATIONWIDE Disyembre 29 target ng Senado sa ratipikasyon ng 2026 GAA

Disyembre 29 target ng Senado sa ratipikasyon ng 2026 GAA

292
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na target ng Senado ang December 29 para sa ratipikasyon ng 2026 General Appropriations Act (GAA).

Layunin nito na masiguro na maaprubahan ang buong enrolled bill na kumpleto at beripikado, sa halip na summary lamang ng bicameral report.

Ayon kay Sotto, bibigyan ng extension ang budget offices ng parehong kapulungan para matapos ang pagpi-print at konsolidasyon ng bill at supporting documents.

Binigyang-diin niya na ang ratipikasyon ay magaganap lamang kapag finalized na ang enrolled bill, at bukas sa publiko at media ang buong proseso mula sponsorship hanggang bicameral deliberations.

Pinanindigan niya na hindi nila nais ratipikahin ang summary lang, kundi ang buo at pinal na bill na handa nang pirmahan ng Pangulo.

Bagama’t may posibilidad ng kaunting delay, tiniyak ni Sotto na manageable ito dahil natapos na ang trabaho sa General Appropriations Bill at may kapangyarihan ang Pangulo na pamahalaan ang budget, kasama ang veto o pag-hold ng pondo kung kinakailangan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here