Home HOME BANNER STORY Diwa ng EDSA People Power Revolution, nakalimutan na – VP Sara

Diwa ng EDSA People Power Revolution, nakalimutan na – VP Sara

160
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Vice President Sara Duterte na maaaring nakalimutan na ng publiko at ng mga organizer ang tunay na diwa o “essence” ng 1986 EDSA People Power Revolution, isang araw bago ang ika-40 anibersaryo nito.

Sa panayam sa mga mamamahayag sa Iligan City, binasag ni Duterte ang kanyang pananahimik tungkol sa taunang paggunita ng EDSA mula nang maupo sa puwesto noong 2022 at maging noong kanyang kandidatura, kabilang ang panahon na kaalyado pa niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., anak ng dating diktador na napatalsik sa People Power.

“The people may have forgotten what the essence of the 1986 Edsa Revolution is,” ani Duterte nang tanungin tungkol sa kanyang mensahe para sa anibersaryo.

Pangungunahan ng civil society groups at ng Simbahang Katolika ang paggunita, kabilang ang martsa mula Edsa Shrine hanggang Edsa People Power Monument. Kasabay nito ang ikatlong Trillion Peso March na nananawagan ng pananagutan kaugnay ng umano’y malawakang katiwalian sa mga proyektong pang-imprastruktura ng gobyerno.

May ilang grupo rin na inaasahang mananawagan ng pananagutan mula sa mga pamilyang Marcos at Duterte at itutulak ang usapin ng impeachment.

Binatikos din ni Duterte ang mga organizer ng martsa, na aniya ay hindi nauunawaan ang diwa ng People Power.

“Those who will march tomorrow or those organizing tomorrow do not truly know what their message to the people really is,” ani Duterte. “They have forgotten what the message was in 1986.”

Noong 2024, naglabas ang Office of the Vice President ng mensahe na naglalarawan sa Edsa bilang paggunita sa “brave souls who stood united on the streets of Edsa, fighting for democracy and freedom,” ngunit agad itong tinanggal makalipas ang ilang oras nang walang paliwanag.

Mula nang maupo sa puwesto noong 2022, ngayon lamang muling nagbigay ng pampublikong pahayag si Duterte tungkol sa paggunita ng Edsa anniversary. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here