Home ENTERTAINMENT Diwata at Ogie, nagkita na!

Diwata at Ogie, nagkita na!

Manila, Philippines – Nagkaharap na rin sa wakas sina Diwata at ang talent manager na si Ogie Diaz.

Matatandaang sinabi noon ni Ogie na hindi pasado sa kanyang kaibigan ang pares overload ni Diwata.

Sa kanyang post sa Facebook nitong, May 18 ay ibinahagi ni Diwata ang larawan nila ni Ogie at makikitang todo smile ang dalawa.

Wala ng ibinigay na iba pang detalye si Diwata tungkol sa kanilang pagkikita. Tanging laman ng caption niya ay: “Meets Ogie diaz”

Matatandaan na sa isang vlog ni Ogie ay personal niyang tinikman ang pares ni Diwata.

“Okay naman. Hindi naman ganun ka-fabulous pero okay na for 100 pesos,” sabi ni Ogie.

Sa kabila ng mga kontrobersiya, nananatiling determinado si Diwata na ipagpatuloy ang kanyang mga proyekto at negosyo. Ador Saluta