Home ENTERTAINMENT Diwata, nangungutang sa pambayad ng kuryente!

Diwata, nangungutang sa pambayad ng kuryente!

191
0

Manila, Philippines – Wala na nga ang puwesto ng dati-rati’y dinudumog na paresan ni Diwata.

Sa kanyang latest vlog, nasa pushcart o kariton na lang ang tinda niyang pares.

Maitatanong–naghihirap na nga ba si Diwata?

His other latest vlog might provide the answer.

Makikita sa video na may hawak siyang Meralco bill.

Pumatak daw ang konsumo niya nang mahigit P4k–kasama ang unsettled bill noong nakaraang buwan.

“Bayaran na naman ng kuryente, at kailangan ko na talagang bayaran ito kundi mapuputulan na ako,” sey ni Diwata na nasa harap ng de-salaming shop ng kanyang “Mareng Corazon.”

Naroon siya para mangutang ng pambayad sa Meralco.

Kahit kinakatok na niya ito, hindi siya pinagbuksan: “Nakita ko na siya malayo pa lang. Siguro, nakita niya na hawak ko ‘tong Meralco bill. Ang hirap ng ganitong mangungutang ka, pero pag sila naman ang mangungutang, madali lang. Hay, babalik na lang ako mamaya!” himutok ni Diwata na hahabulin ng plantsa dahil sa gusut-gusot niyang pang-itaas. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here