MANILA, Philippines – Handa si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na makipagtulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon nito sa mga umano’y iregularidad sa paggastos ng pamahalaan sa 2019 2019 Southeast Asian Games, at sinabing siya ay may “clear conscience.”
Ani Dizon, tutugon siya sa anumang subpoena na maaaring iisyu ng NBI bilang bahagi ng pagtatanong.
“We will cooperate because we have a clear conscience,” sinabi ni Dizon nitong Lunes, Hulyo 20.
Si Dizon ay hepe ng Bases Conversion and Development Authority nang panahong iyon na nangasiwa sa konstruksyon ng mga sports faclity sa New Clark City.
Dagdag pa niya, nasagot na ang mga alegasyon sa reklamong inihain laban sa kanya at ng iba pang opisyal at na-dismiss na noong 2021.
“Kagaya na rin ng sinabi ng Ombudsman at NBI, 2021 pa ‘yan na-dismiss. May nagkaso na dyan laban sa akin, laban sa iba’t ibang mga opisyales pero na-dismiss na ‘yan December 2021 pa. Kampante tayo dyan. Pero at the same time kung merong mga imbestigasyon kampante rin tayo, tayo ay makikipag-cooperate dyan kasi malinis ang konsensya natin at naniniwala tayo na napakaayos nung mga facilities na ‘yan at napakaayos ng pagkagawa,” ani Dizon. RNT/JGC