Home NATIONWIDE Ligtas na access sa WPS mahalaga para sa 450K mangingisda, food security...

Ligtas na access sa WPS mahalaga para sa 450K mangingisda, food security ng Pinas – DA

9
0

MANILA, Philippines – ANG kabuhayan ng 450,000 mangingisdang Pinoy at food security ng milyon ay depende sa nagpapatuloy at safe access sa fishing grounds sa West Philippine Sea (WPS).

“The well-being of more than 450,000 registered fisherfolk and the food security of millions of Filipinos depend on ensuring continued, safe and sustainable access to these rich fishing grounds,” ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary for Fisheries Drusila Esther Bayate.

Ipinahayag ito ni Bayate sa isinagawang national commemoration ng 10th anniversary ng 2016 South China Sea Arbitral Award noong Hulyo 12, binigyang diin ang economic at food security na nakatulos sa pagprotekta sa fishing grounds ng bansa.

Makikita sa data ng DA na may petsang June 30, may 453,246 mangingisda ang nakarehistro sa mga lalawigan at lungsod sa tabi ng West Philippine Sea, kasama ang Palawan na may pinakamalaking bilang, sumunod ang Pangasinan, Batangas, at Cavite.

“Securing the livelihoods of fishing communities is crucial not only to asserting the country’s sovereign rights but also to strengthening food security and economic resilience,” ayon kay Bayate.

Sa kabilang dako, makikita naman sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang WPS ay “accounted for an average of 16.68% of the country’s marine capture fisheries production from 2006 to 2025.”

Tumaas ang kontribusyon sa nakalipas na taon sa kabila ng pagbaba ng overall national fisheries production.

Ayon sa DA, “fish production from the WPS rebounded by nearly 28% from 2022 to 2025, accounting for almost 20% of the country’s total marine catch last year.”

Ang halaga ng nahuhuling isda sa lugar ay umabot na sa P40.05 billion noong 2025, halos 80% na mas mataas kaysa sa 2006, sa gitna ng mas mataas na presyo ng isda na in-attribute sa mas mahigpit na suplay, napanatiling demand at inflation.

Gayunman, sinabi ni Bayate, na ang mga mangingisda ay nahaharap sa tumataas na mga hamon kabilang na ang mas malakas na bagyo, pagtaas ng presyo ng langis, illegal fishing at napinsalang marine habitats, at maging harassment o pang-aabuso ng Chinese militia na naghigpit sa access sa traditional fishing grounds.

Kapuwa sinabi naman ng DA at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na pinalalawig nila ang livelihood at sustainability programs para sa fishing communities, including na ang “organizing fisherfolk into cooperatives and providing enterprise development and technical skills training.”

Sa ilalim ng F/B PAGBABAGO Program nito, “BFAR provides fiberglass-reinforced plastic fishing boats and fishing gear, as well as boat repair training.” KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here