MANILA, Philippines – Muling tiniyak ni House Speaker Faustino Dy III ang inisyatibo ng Malaking Kapulungan ng Kongreso na walang probinsya ang dapat na mapag-iwanan at mahuhuli sa aspeto ng edukasyon, nutrisyon at rural development.
Ito aniya ang isinusulong ngayon ng Kamara upang matiyak na lahat ng lalawigan ay dapat magbenepisyo sa mga pagbabago dahil nagpapatuloy aniya ang paglalatag ng mga kongresista ng mga panukalang magbibigay ng malawak na oportunidad para sa pailyang Pilipino, pagpapatatag sa mga komunidad at pagsulong ng bansa sa kabuuan.
“Every great community is woven together by people who choose unity over division; who choose service over self-interest; and who believe that our diversity is our greatest strength,” ayon kay Dy sa kaniyang pahayag na binasa ni Senior Deputy Speaker Ferdinand Hernandez sa pagdiriwang ng ika – 60 taong anibersaryo ng South Cotabato at ika- 27 anibersaryo ng T’nalak Festival noong Sabado.
“Progress is never woven by one person. It is woven by an entire community. At ang paghahabi ng kinabukasang iyon ay hindi natatapos sa isang pagdiriwang.”
Binanggit ni Dy ang mga panukalang batas na naaprubahan na sa larangan ng edukasyon kabilang ang Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) Program, ang pagpapalakas sa Last Mile Schools Program, at ang panukalang National Nutrition Program, na nagsusulong na mapalawak ang ga feeding program sa mga paaralan para sa mga Pilipinong kabataan.
“Laws matter. But what matters even more is whether people actually feel the difference. Because the true measure of every law is not what is written on paper—it is what changes in people’s lives. Patuloy naming pakikinggan ang tinig ng ating mga lokal na pamahalaan at ng ating mga mamamayan upang matiyak na ang bawat batas na aming ipinapasa ay tumutugon sa tunay ninyong pangangailangan at sa mga hamong kinakaharap ng inyong mga komunidad.”
Maging ang mga inisyatibo para sa ikapagkakaroon ng pantay at sabay-sabay na pag-unlad lalo na sa mga komunidad sa labas ng Metro Manila ay nabanggit din ni Dy sa naturang talumpati.
“As Congress resumes its work, we carry with us a simple commitment: No province should be left behind. No community should be overlooked. And every Filipino—especially our kababayan in Mindanao—deserves the opportunity to succeed.” Meliza Maluntag