Home NATIONWIDE ‘Rice for Work’ sa Day Care Parents ilulunsad ng Manila LGU

‘Rice for Work’ sa Day Care Parents ilulunsad ng Manila LGU

7
0

MAYNILA — Ilulunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila, sa pamumuno ni Mayor Isko Moreno Domagoso, ang “Rice for Work Project” sa Hulyo 31 upang mabigyan ng bigas ang mga magulang ng mga batang naka-enroll sa mga day care center kapalit ng kanilang serbisyo sa paglilinis ng mga pasilidad.

Sa forum ng Manila City Hall Press Club, sinabi ni Manila Department of Social Welfare (MDSW) Director Jay Dela Fuente na unang ipatutupad ang programa sa apat na distrito ng lungsod, na may target na 500 hanggang 700 benepisyaryo.

Sa ilalim ng programa, tatanggap ang bawat kwalipikadong day care parent ng tatlong kilo ng bigas tuwing Martes at Huwebes sa loob ng dalawang buwan.

Kapalit nito, magsasagawa ang mga benepisyaryo ng paglilinis sa mga day care center sa umaga at hapon upang makatulong sa pagpapanatiling malinis, maayos at ligtas ang mga pasilidad na ginagamit ng mga bata.

Ayon kay Dela Fuente, tanging mga magulang na may anak na kasalukuyang naka-enroll sa day care centers ng Maynila ang maaaring maging benepisyaryo ng programa.

Kapag naging matagumpay ang pilot implementation ng “Rice for Work Project,” sinabi ng MDSW na palalawakin pa ito sa iba pang distrito ng lungsod upang mas marami pang day care parents ang makinabang sa programa. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here