Home NATIONWIDE DMW magsasampa ng reklamo sa OWWA land deal; nangako ng reporma at...

DMW magsasampa ng reklamo sa OWWA land deal; nangako ng reporma at transparency

253
0

MANILA, Philippines – Inihahanda na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagsasampa ng criminal at administrative charges sa mga opisyal na sangkot sa kwestyunableng P1.4 bilyong land acquisition deal na ginawa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nang walang awtorisasyon.

“In due time, appropriate administrative and criminal cases will be filed against responsible OWWA officers who participated in the anomalous transactions,” sabi ni Migrant Secretary Hans Cacdac sa isang opisyal na pahayag na inilabas nitong Lunes.

Muling iginiit ni Cacdac na si dating OWWA Administrator Arnell Ignacio ay tinanggal sa puwesto dahil sa “pagkawala ng tiwala at kumpiyansa” sa mga seryosong procedural at substantive lapses.

Sinabi ng kalihim na ang pinag-uusapang kasunduan ay naisakatuparan nang walang kinakailangang pag-apruba ng OWWA Board of Trustees at may kinalaman sa hindi bababa sa anim na kritikal na paglabag sa OWWA Charter.

Kabilang sa mga natukoy na paglabag ay ang hindi awtorisadong paggamit ng P2.6 bilyon sa emergency repatriation funds na na-convert sa capital outlay, ang pagpirma ng deed of absolute sale, at addendum na walang board clearance.

Na-flag din ang umano’y undisclosed lease contracts, post-sale rental collection ng non-OWWA third party, at ang demolisyon ng isang gusaling may 52 condominium titles na kasama sa property valuation. Nabigo umano ang OWWA na makuha ang buong pagmamay-ari ng lupa sa kabila ng full payment

Ang mga pondo, lahat para sa panukalang pagtatayo ng isang “halfway house” upang ma-accommodate umano ang malaking bilang ng mga bumalik na OFW, katulad ng mass repatriation at quarantine efforts sa panahon ng pandemya, ay itinuring na hindi kailangan at hindi praktikal. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here