Home OPINION DMW NANGANGAMBA SA PAGLALA NG GYERA SA MIDDLE EAST

DMW NANGANGAMBA SA PAGLALA NG GYERA SA MIDDLE EAST

142
0

TINIYAK ng pamunuan ng Department of Migrant Workers ang patuloy na pagmomonitor sa sitwasyon sa Gitnang Silangan habang nananatiling pangunahing prayoridad nito ang kaligtasan at maayos na repatriation ng overseas Filipino workers.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, nakaalerto ang ahensya sa anomang biglaang pagbabago sa sitwasyon dahil sa pangambang maipit sa kaguluhan ang mga Pilipinong nasa Gitnang Silangan.

Patuloy ang matinding pagbabantay sa sitwasyon ng libo-libong Pilipinong OFWs sa Gitnang Silangan habang lumalakas ang pangamba na maaaring tumagal pa at lalong lumala ang kaguluhan sa rehiyon.

Naka-standby ang mga contingency plan para sa posibleng evacuation, ngunit nananatiling kritikal ang sitwasyon at walang kasiguraduhan kung kailan huhupa ang tension.

Ito ay sinabi ni Cacdac habang inaantay ang pang siyam na chartered flight ng United Arab Emirates lulan ang 342 OFWs na lumapag sa Villamor Air Base, Pasay City nitong nakaraang Lunes ng hapon.

Personal na sinalubong ng mga taga-DMW sa pangunguna ni Cacdac kasama ang whole government team at 87 kaanak ng mga umuwi. Kaagad na naghatid ng agaran at pangunang tulong ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan alinsunod sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Kabilang sa mga agarang tulong ay ang financial aid ay temporary accommodation at transport services mula sa Overseas Workers Welfare Administration; medical assistance mula sa Department of Health; psychosocial support mula sa Department of Social Welfare and Development; at pagproseso ng immigration at customs requirements.

Nakaantabay rin ang DMW upang pangunahan ang paghahatid ng komprehensibong reintegration support para sa mga nakauwing OFW.

Sa kabila ng mga puna mula sa ilang kritiko hinggil sa pamamahala ng repatriation, isinasantabi muna ito ni Cacdac sa halip ay binigyang-diin na higit na mahalaga ang agarang kaligtasan at paglikas ng OFWs kaysa sa mga usapin ng intriga.

Iginiit pa ng kalihim, hindi makabubuti kung magpadadala ang ahensya sa mga paninira, at sa halip ay nararapat na ituon ang atensyon sa mas malawakang operasyon ng pagliligtas sa kababayang nagtatrabaho sa Gitnang Silangan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here