MANILA, Philippines – Kasalukuyang nagsasagawa ang Department of Helath (DOH) ng guidelines o health protocols para sa mga negosyong may malapit na pakikipag-ugnayan sa mga customer kabilang ang mga parlor, barbershop, at spa.
“Walang mawawala kung magsuot po ng gloves at saka ‘yung ating facemask. Bakit? Kasi ‘yung ating mga barbero, stylist beauticians intimate contact ‘yan. Our interest is to continue the business activities while making sure that health is still the main consideration,” sabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo sa dzBB.
Sinabi ni Domingo na ipinahayag na ng DOH ang layunin nito mula sa World Health Organization (WHO) na makakuha ng access sa mga bakuna sa bulutong upang makatulong na maprotektahan laban sa mpox virus.
Ayon kay Domingo, ang Pilipinas ay mayroong cold chain at supply chain facilities na ginamit noong COVID-19 pandemic na pag-iimbakan para sa mga bakuna.
Sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa noong Lunes na ang pasyente lamang na nagpapakita ng sintomas ng mpox ang ang nakakakuha ng paggamot sa ngayon sa pamamagitan ng suportang pangangalaga
Ang mga karaniwang sintomas ng mpox ay pantal sa balat o mga sugat sa mucosal, na maaaring tumagal ng 2-4 na linggo. Ang mga pantal ay sinamahan ng lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pananakit ng likod, mababang enerhiya, at namamaga na mga lymph node.
Kahit sino ay maaaring makakuha ng mpox, at ang virus ay maaaring maipasa sa mga tao sa pamamagitan ng malapit at matalik na pakikipag-ugnayan sa isang taong nakakahawa, sa pamamagitan ng mga kontaminadong materyales tulad ng mga ginamit na damit o kagamitan, o mga nahawaang hayop.
Pinayuhan ng DOH ang paggamit ng sabon at tubig upang mapatay ang virus at gumamit ng guwantes kapag naghuhugas ng mga kontaminadong materyales.
Sa ngayon, umabot na sa sampu ang kumpirmadong kaso ng mpox sa bansa kung saan ang pinakahuling kaso ay naitala ngayong taon na isang 33 taong gulang na lalaki na Filipino na walang travel history sa labas ng bansa ngunit may ‘close intimate contact tatlong linggo bago ang onset ng sintomas’
Inatasan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ilang ahensya na patuloy na imonitor ang lugar ay mga indibidwal na itinuturing na kadalasang mahina sa mpox. Jocelyn Tabangcura-Domenden