Home NATIONWIDE DOH: Mga paaralan maaaring kumuha ng nurse, health experts sa sexuality education

DOH: Mga paaralan maaaring kumuha ng nurse, health experts sa sexuality education

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Health nitong Sabado, Pebrero 1 na may iba’t ibang paraan para matugunan ang teen pregnancy, kasabay ng kontrobersyal na Senate Bill 1979 o
Adolescent Pregnancy Prevention Bill.

Ito ay kasabay ng paggiit ng DOH na walang pangangailangan na magkaroon ng bagong batas para tugunan ang isyu, at kailangan lamang ng tamang implementasyon ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Law of 2012 (RH Law).

Isang paraan umano sa tamang pagpapatupad ng batas ay ang pagkuha ng health professionals o mga eksperto para magturo sa mga estudyante, ayon kay DOH Assistant Secretary Dr. Albert Domingo sa panayam ng DZBB.

“Meron kasi tayong tinatawag na MAPEH, yung Music, Arts, Physical Education and Health. Ang implementation niton ay isa lang siya sa ‘MAPEH,” ani Domingo.

Sa halip na magkaroon lamang ng isang guro para sa MAPEH, sinabi ni Domingo na ang “Health” subject ay dapat na magkaroon ng nakatalaga at sinanay na guro para rito.

“Mas maganda kung may designated na health teacher. Isipin niyo yung pe teacher, maton na basketball coach, tapos magtuturo din siya ng reproductive health. Parang medyo awkward yung dating. Dapat yung teacher ay properly trained, Hindi lahat at kontin lang ang merong health teacher. Baka iyan ang pwedeng solusyon,” paliwanag pa ni Domingo.

Dagdag pa niya, mayroon pa ring shortage ng mga guro sa bansa kaya isa ring solusyon ay ang pagkuha ng mga nurse sa mga paaralan. RNT/JGC