MANILA, Philippines – Inilunsad ng Deparment of Health (DOH) katuwang ang pamahalaang lungsod ng Caloocan at iba pang organisasyon ang health and wellness event na nag-aalok ng libreng TB screening at diagnosis bago ang World Tuberculosis (TB) day sa Marso 24.
Ang inisyatiba ay isinagawa sa Caloocan Sports Complex sa North Caloocan na naglalayong isulong ang maagang pagtuklas at paggamot ng TB habang pinapataas ang kamalayan tungkol sa epekto nito sa kalusugan at ekonomiya.
Bukod sa pagsusuri sa TB, ang mga dadalo ay may access din sa mga karagdagang serbisyong pangkalusugan, kabilang ang:
* HIV testing at screening
* Risk assessment and prevention
* Health educational session
Sa pagbibigay ng acessible screening at treatment, umaasa ang DOH na mahikayat ang mas marami pang Pilipino na gumawa ng mga proactive measures sa pagprotekta sa kanilang sarili laban sa TB at iba pang mga nakakahawang sakit. Jocelyn Tabangcura-Domenden