MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Health (DOH) nitong Biyernes laban sa isang page na gumagamit sa pangalan ng ahensya para sa promosyon ng gamot sa insomnia na umano’y peke.
Sa Facebook advisory, sinabi ng DOH na nakasaad sa “misleading claims” online na isang umano’y “nutritional milk” ang gaot sa chronic insomnia.
“The post, which falsely associates the DOH with an unverified health product, is not endorsed, approved, or recognized by the Department,” saad sa abiso.
Anang DOH, walang “instant cure” sa insomnia. Subalit, binigyang-diin nitong “[w]hile healthy habits support better sleep, effective treatment requires proven methods like sleep hygiene, therapy, and medical guidance.”
Pinaalalahanan din ng health agency ang publiko na mag-ingat laban sa pekeng health claims at mga produktong gumagamit ng mapanlokong marketing strategies at pangalan ng ahensya.
Nauna na nitong sinita ang ilang online posts sa paggamit ng ahensya sa promosyon mga pekeng produkto. RNT/SA