Home HEALTH DOH sa publiko: Iwasang dumalo sa mga pista kung may sakit

DOH sa publiko: Iwasang dumalo sa mga pista kung may sakit

(c) Tara Baguio FB Page Photo

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Department of Health-Cordillera Administrative Region (DOH-CAR) ang publiko na iwasan na dumalo ng mga pagtitipon at festivals kapag masama ang pakiramdam para sa kanilang proteksyon at maiwasan na makahawa ng impeksyon.

Sinabi ni DOH-CAR Communications Management Unit (CMU) chief Jenee Austria na ang ahensya ay naglabas ng abiso sa pamamagitan ng kanilang social media page upang hikayatin ang pubiko na maging maingat.

Ang paalala ni Austria ay sa gitna ng preparasyon para sa festival season sa Cordillera region na inaasahang pagtaas ng mobility ng publiko at mass gatherings kasunod ng pagdagsa ng mga turista at mga bisita na malaking tyansa ng posibleng pagkalat ng infectious diseases.

Mahigpit na hinihimok ng DOH-Cordillera ang lahat na sundin ang mga paalala sa kalusugan na makibahagi sa pagdiriwang nang ligtas at malusog.

Noong nakaraang linggo, iniulat ng DOH-CAR ang tungkol sa dalawang kumpirmadong kaso ng mpox (dating monkey pox) sa Baguio City.

Gayundin, sinabi nito na ang mga kaso ng hand,foot and mouth disease (HFMB) ay tumaas sa 61 noong Enero 18, 2025 mula sa anim na kaso noong nakaraang taon.

Ayon pa kay Austria, namamahagi ng personal protective equipment (PPE), sanitizing agents, at mga kinakailangang gamot bilang bahagi ng mga pagsisikap sa paghahanda.

Iniutos din ang mga isolation facility na maging handa at magagamit, dagdag niya. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)